Muling magpapasko sa Davao City si Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, gaya ng mga nagdaang taon ay uuwi ng Davao ang pangulo para duon ipagdiwang ang pasko kasama ang pamilya nito.
Matatandaang sa dalawang nakaraang taon, tuwing gabi ng bisperas ng pasko ay bumibisita ang pangulo sa mga batang may sakit na nasa mga pagamutan sa Davao.
Sinabi ng kalihim na maaaring gawin itong muli ng pangulo ngayong taon.
Christmas message ni Pangulong Duterte sumentro sa habag kabutihan at pagkakasundo
Maagang nagpaabot ng pagbati si Pangulong Rodrigo Duterte para sa pagdiriwang ng kapaskuhan.
Sumentro sa habag, kabutihan at pagkakasundo ang naging mensahe ni Pangulong Duterte sa sambayanang Pilipino.
Ayon sa pangulo, muling sumapit ang panahon upang magsama-sama ang pamilya at magkakaibigan para ipagdiwang ang kapanganakan ni Hesu Kristo.
Sa gitna ng mga kasiyahan, hinikayat ng pangulo ang mga Pilipino na huwag kalimutang pagnilayan ang mga-aral sa kwento ng kapanganakan ni Hesus.
Sa huli, umaasa ang pangulo na magkakaisa ang lahat para sa pag-asa at kapayapaan ng bansa ngayong pasko maging sa pagsalubong sa bagong taon.