Nakahanda ang Philippine National Police (PNP) na tumulong para maresolba ang insidente ng bullying sa Ateneo Junior High School.
Kasunod ito ng viral video ng isang estudyante na nananakit ng kapwa niya mag-aaral.
Ayon Philippine National Police (PNP) Deputy Spokesperson Kimberly Molitas, unang dapat umaksyon sa insidente ng bullying ang pamunuan ng paaralan habang nakanda naman ang pambansang pulisya umalalay kung hihingin ang kanilang tulong sa problema.
“Mayroon tayong batas na Anti-bullying Act of 2013 that defines the procedure on how we go about bullying. At nakasaad doon na nang mag-take action an gating school administrators muna. Then it is upon their determination upon the case or the incident, it is their job to inform the law enforcement body. So, inaatay po natin yung school administration ng Ateneo na siguro to inform or coordinate sa ating mga kapulisan if they find it necessary for the intervention of the law enforcement sa case na iyon.” Pahayag ni Molitas.
Kasabay nito, hinimok ni Molitas ang lahat ng mga biktima ng bullying at kanilang pamilya na huwag matakot na dumulog sa mga kinauukulan sa paaralan para mabigyan ng karampatang tulong.
“We of course encourage families or victims or children na huwag matakot to report kung na-bubully sila sa school administrator para ma-aksyunan at mabigyan sila ng kaukulan tulong ng administrator. And, if needed ng ating law enforcement.” Ani Molitas.