Bumuo na ang Department of Transportation o DOTr ng isang technical working group o TWG na siyang bubusisi sa mga isyung may kinalaman sa motorsiklo bilang ‘mode of public transport’.
Nabatid na kasama sa mga miyembro ng TWG ang DOTr, Land Transportation Office, Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB, Philippine National Police–Highway Patrol Group o PNP-HPG, Metro Manila Development Authority o MMDA at mga kinatawan mula sa Senado, Kamara, commuter welfare groups, road safety advocates, motorcycle manufacturers, motorcycle organizations, at law schools.
Ang hakbang ay ginawa ni Transportation Secretary Arthur Tugade kasunod ng ipinalabas na temporary restraining order o TRO ng Korte Suprema laban sa operasyon ng Angkas.
Ayon kay Tugade, magsasagawa ng mga deliberasyon ang mga kasapi ng TWG hinggil sa mga usaping may kinalaman sa kakayahan ng motorsiklo para isalang sa public transport service.