Ipinag-utos na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa sandatahang lakas ng Pilipinas ang tuluyang pagwasak sa CPP-NPA.
Sa ginanap na aktibidad kagabi sa Camp General Manuel T. Yan, Compostela Valley, mariin ring tinanggihan ng Pangulo ang idineklarang unilateral ceasefire ng rebeldeng komunista ngayong holiday.
We do not subscribe to their ceasefire. We are ready for anything and I said change your paradigm. Do not fight them. Destroy them. Kill them. Pahayag ni Pangulong Duterte
Maliban sa NPA, inatasan rin ng Pangulo ang militar na pulbusin at lansagin rin ang Abu Sayyaf Group.
Pangulong Duterte, nanawagan sa NPA na magbalik loob sa pamahalaan
Nanawagan si Pangulong Rodrigo Duterte sa teroristang grupo na New People’s Army o NPA na abandunahin na ang kanilang mga baluktot na paniniwala at magbalik loob na sa pamahalaan.
Hinimok din ng Pangulo ang mga miyembro ng 10th infantry division, na manatiling dedikado sa kanilang sinumpaang tungkulin na protektahan ang bansa at ang mamamayan nito.
Tiwala naman ang Punong Ehekutibo na sa pagdiriwang ng kapaskuhan at bagong taon, patuloy na bibigyang kasiguraduhan ng Armed Forces of the Philippines ang kapayapaan at kaayusan sa buong bansa.