Sisimulan na sa Enero 21 ng susunod na taon ang pagdinig ng korte sa kasong tax fraud na kinakaharap ni football star Cristiano Ronaldo.
Dahil sa naturang kaso, posibleng mag-plead guilty at masuspinde sa loob ng dalawang taon si Ronaldo.
Maaari namang mapababa ang hatol sa football star kapag nagbayad ito ng $ 22 million kasabay ng pagplead guilty nito.
Nakasaad sa batas ng spain na puwedeng bawasan ang hatol ng hanggang dalawang taon para sa mga first time offenders.
Matatandaang kinasuhan si Ronaldo ng apat na bilang ng tax fraud mula 2011 hanggang 2014 dahil sa pagtatago umano nito ng $16.5 million na kita mula sa ibang kumpanya.