Pumapalo na sa halos 300 ang nasawi at halos 1,000 naman ang sugatan sa tsunami sa Indonesia.
Ayon sa National Disaster Agency, tuloy pa rin ang paghahanap nila sa mga survivor katuwang ang ilang rescue volunteers.
Ibinabala naman ng National Disaster Agency Spokesman Sutopo Purwo Nugroho ang malaking tsansang lumobo pa ang death toll dahil sa mga nawawalang biktima ng trahedya.
Nabatid na hindi pa nasasaklolohan ang ibang naipit sa mga nasirang gusali sa Southern Sumatra at western tip ng Java.
Nag-ugat ang pagtama ng tsunami dahil sa pagsabog ng anak Krakatoa Volcano.