Tatlong kabahayan ang naabo sa Tagbilaran City, Bohol, sa bisperas ng pasko.
Nagsimula ang sunog sa bahay ng isang Henry Mendoza, pamilya Parilla at Baylosis sa CPG Avenue Barangay Cogon habang abala ang lahat sa paghahanda ng kani-kanilang noche buena.
Ayon sa Bureau of Fire Protection-Central Visayas, isang malakas na pagsabog ang umalingawngaw na sinundan ng pagkalat ng apoy.
Agad namang naapula ang sunog makalipas ang mahigit isang oras.
Inaalam na kung ano ang sanhi ng pagkalat ng apoy at halaga ng mga natupok o napinsalang ari-arian.