Nagbabala ang Department of Health (DOH) laban sa firecracker poisoning o pagkalason dahil sa di sinasadyang paglunok ng paputok.
Ayon kay DOH Spokesperson Undersecretary Eric Domingo, mahirap itong lunasan dahil walang maaaring gawing first aid sa pagkakalason dahil sa paputok at dapat na dalhin agad ang biktima sa ospital.
Delikado aniya ang mga paputok na itsurang candy na nakabalot sa foil at madalas mapagkamalang makakain.
Samantala, nagsimula nang mamili ang mga tao ng mga paputok partikular na sa Bocaue, Bulacan na gagamitin sa pagsalubong ng bagong taon.