Nakapiling na ni Senadora Leila De Lima sa kulungan ang kanyang ina, dalawang araw bago mag-pasko.
Sa kauna-unahang pagkakataon matapos ang halos dalawang taon ay dinalaw si De Lima ng kanyang otsenta’y sais anyos na inang si Norma Magistrado De Lima sa PNP – Custodial Center sa Camp Crame, Quezon City, noong Linggo.
Ito, ayon sa senador, ang pinaka-magandang regalo na kanyang natanggap ngayong pasko.
Bagaman nakararanas ng dementia, hindi na aniya ito inalintana ng kanyang ina dahil tangi mahalaga ay magkasama muli sila.
Samantala, nagpasalamat naman ang mambabatas sa diyos dahil sinagot na ang kanyang matagal nang panalanging makapiling ang kanyang nanay bago mag-pasko.