Muling nag-alburoto ang pinaka-mataas at pinaka-aktibong bulkan sa europa na Mount Etna.
Sa kasagsagan ng paghahanda para sa pasko, nagbuga ng abo at lava ang bulkan na nagresulta sa pagsasara ng Catania Airport sa Sicily, Italy.
Ayon sa National Institute for Geophysics and Volcanology, umabot na sa 130 pagyanig ang naitala simula kahapon.
Bagaman wala namang nasugatan sa eruption, daan-daang residente sa paligid ng bulkan ang nagsilikas lalo’t pinangangambahan ang mas malakas at malaking pagsabog.
Taong 1992 nang maitala huling major eruption ng Mount Etna.