Sumampa na sa 426 ng nasawi sa tsunami dulot ng pagputok ng Mount Anak Krakatoa sa Krakatoa Island, Indonesia.
Ayon sa mga otoridad, nasa 150 iba pa ang nawawala at mahigit 16,000 ang naapektuhan o nagsilikas sa Java at Sumatra.
Binalaan din ang mga residente na umiwas muna sa mga dalampasigan dahil maaaring magresulta sa panibagong tsunami ang pag-a-alburoto ng bulkan.
Taong 1883 nang huling maitala ang pinaka-malaking eruption na nagresulta sa tsunami kung saan umabot sa tinatayang 120,000 ang nasawi.
Ito rin ang pinaka-bayolenteng eruption sa kasaysayan at dahil sa pagsabog na 10,000 beses ang lakas kumpara sa atomic bomb, nakaapekto ang aktibidad ng bulkang Krakatoa sa global climate.