Pormal nang inilipat ni outgoing Department of Interior and Local Government Chief Mar Roxas ang kapangyarihan bilang kalihim ng ahensya kay Leyte Cong. Mel Senen Sarmiento.
Si Sarmiento ay dating mayor at kasalukuyang Secretary-General ng Liberal party.
Sa turnover ceremony na ginanap sa DILG-NAPOLCOM center sa EDSA Quezon City, nangako si Sarmiento na isusulong ang mga reporma na makabubuti sa mga LGUs o Local Government Units.
Tinukoy ni Sarmiento ang posibleng pagsasaayos sa Internal Revenue Allotment o IRA ng mga LGUs.
By: Jelbert Perdez | Jonathan Andal