Inaasahang papalo sa 109 million ang populasyon sa Pilipinas sa susunod na taon.
Ayon sa Commission on Population o PopCom, sa datos mula sa Philippine Statistics Authority (PSA), lumilitaw na patuloy ang pagbaba ng bilang ng mga ipinapanganak na Pilipino habang patuloy namang tumataas ang bilang ng mga senior citizen.
Noong 2017, nakapagtala ang PSA ng mahigit 1,700,618 ipinanganak na mas mababa ng 1.8 percent na bilang ng mga isinilang noong 2016.
Samantala, inaasahan naman ng PopCom na tataas ng 8.2 percent ang bilang ng mga senior citizen sa susunod na taon mula sa 7.5 percent lamang noong 2015.