Lalo pang tumaas ang bilang ng mga naputukan tatlong araw bago ang bagong taon.
Ayon sa huling tala ng Department of Health, umabot na sa 40 ang nasugatan dahil sa paputok simula pa noong Disyembre 21 hanggang kahapon ng umaga.
Mas mababa ito ng halos 50 porsyento kumpara sa bilang ng nasugatan noong 2017 at 115 percent na mas bababa sa limang taong naitalang average.
Sa naturang bilang, 90 porsyento nito ay mga kalalakihan na nasa edad dalawa hanggang 69.]
Karamihan sa nasugatan ay dahil sa paggamit ng boga, kwitis, piccolo at luces.