Pinapurihan ni bestselling author Paulo Coelho ang 2009 film na kinatay ni Direk Brillante Mendoza.
Sa Twitter post ng manunulat, tinawag nito ang “Kinatay” na one of the most disturbing movies na kanyang napanood ngayong 2018.
Aniya, napakagaling ng screenplay, direktor at aktor sa naturang pelikula.
Kung ang award winning Hollywood director na si Quentin Tarantino ang siyang gumawa nito ay posible aniya itong mapasama sa shortlist ng Oscar awards.
Ang “Kinatay” ay pelikula ni Coco Martin na gumanap bilang isang criminology student na pumasok sa isang sindikato para kumita para sa kanyang pamilya.
One of the most disturbing movies I watched in 2018 – great screenplay, director, actors. A Filipino movie that, if it was directed by Tarantino, would be shortlisted for the Oscar. pic.twitter.com/78hdk5SoCH
— Paulo Coelho ☮️ (@paulocoelho) December 27, 2018