Patay sa pamamaril ang isang barangay chairman sa loob ng isang sabungan sa Lipa City.
Kinilala ang biktima na si Malon Luancing na Pangulo ng association of barangay captains sa lungsod.
Ayon sa mga nakasaksi, nakarinig na lamang sila ng putok ng baril hanggang sa nakita na lamang nilang nakabulagta at duguan ang punong barangay.
Iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang insidente at inaalam na rin ang kung ano ang naging pakay ng kapitan sa lugar gayong ipinagbabawal ang mga opisyal na pumunta sa mga lugar pasugalan.