Epektibo na ang second round ng excise tax na ipinapataw sa mga produktong petrolyo.
Karagdagang dalawang pisong excise tax ang ipapataw sa kada litro ng produktong petrolyo maliban pa sa vat o value added tax.
Pitong piso at walumpu’t apat na sentimo ang naidagdag na excise tax at vat sa kada litro ng produktong petrolyo noong 2018.
Nakapaloob ito sa TRAIN o Tax Reform for Acceleration and Inclusion Law kung saan kada taon ay tataas ang excise tax sa petrolyo mula 2018 hanggang 2020.
Una rito, sususpindihin sana ng pamahalaan ang ikalawang round ng excise tax sa petrolyo dahil inflation subalit binawi ito matapos na bumagsak na ang presyo ng langis sa world market.