Naging mapayapa sa pangkalahatan ang pagsalubong sa bagong taon sa Metro Manila.
Ayon kay PNP NCRPO Chief Guillermo Eleazar, napakalaki ng pagkakaiba ngayon kung ikukumpara sa pagsalubong sa bagong taon sa mga nakalipas na panahon.
Bagamat may naitala anIya silang indiscriminate firing sa Navotas, wala namang nadisgrasya at agad ring naaresto at nadisarmahan ang nagpaputok ng baril.
Sinabi ni Albayalde na mula December 21 hanggang bagong taon, umabot sa apat ang naaresto dahil sa pagdadala ng illegal na paputok samantalang umabot sa dalawandaan at pitumput dalawa ang kanilang nakumpiska.
Compared sa mga nakaraang taon, bihira na ‘yung nagbebenta ng iligal na produkto ito ay marahil sa patuloy na information drive natin at compared din last year, marami na rin ang sumusunod na kababayan natin sa mga alituntunin. Pahayag ni Eleazar
Naniniwala rin si Eleazar na malaking bagay ang pagkakaroon ng community fireworks display kayat malaki rin ang ibinaba ng bilang ng mga nasaktan dahil sa paputok.