Nahaharap sa kasong indiscriminate firing ang pitong pulis matapos na magpaputok ng baril sa kasagsagan ng holiday season.
Tiniyak ni Philippine National Police (PNP) Dir. Gen. Oscar Albayalde, na kaniyang tutuparin ang nauna niyang inihayag na walang sasantuhin sa sinomang magpapaputok ng kanilang baril sa kasagsagan ng holiday season.
Ang pitong pulis ay kabilang 23 katao na naaresto sa umano’y indiscriminate firing nuong holidays.
Kabilang dito ang isang opisyal ng AFP, isang law enforcement agent, dalawang security guard at 10 sibilyan.