Naitala ang mahigit 45 milyong Netflix accounts na nanood ng horror-thriller movie na “Bird Box” sa loob lamang ng isang linggo.
Inanunsyo ito ng Netflix sa kanilang Twitter account.
Nag-iisa pa lamang ang naturang horror-thriller movie na nakapagtala ng nasabing dami ng viewership ayon sa American media-services provider.
Naging maingay rin sa social media ang pelikula dahil sa misteryong nilalaman ng kwento nito.