Target pa rin ni Communist Party of the Philippines (CPP) founding chairman Jose Maria Sison na matanggalan ng kapangyarihan si Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay kay Sison, bukas silang matuloy ang peace talks ngunit kaniya paring iginiit na dapat mapatalsik sa pwesto ang punong ehekutibo.
Tumanggi si Pangulong Duterte na ipagpatuloy ang negosasyon sa usaping pangkapayapaan dahil sa patuloy umanong pagpatay ng mga rebelde sa pwersa ng gobyerno.
Idineklara rin ng administrasyong Duterte na teroristang grupo ang NPA ngunit napigilan ito ng pagdulog ng NDFP sa korte.