Higit isang milyong trabaho ang inaasahang malilikha ng Department of Labor and Employment (DOLE) ngayong taon.
Ayon sa DOLE, ito ay dahil sa patuloy na pagbubukas ng oportunidad ng programa ng gobyerno na “Build, Build, Build” gayundin ang nalalapit na eleksyon sa Mayo.
Sinabi ni DOLE-Bureau of Local Employment director Nikki Tutay na malaki ang magiging pangangailangan sa industriya ng manufacturing, wholesale at retail, services, transportation at logistics sectors.
Mayroon din umanong mga oportunidad na binuksan ang gobyerno gaya ng pagiging guro, pulis at sundalo.