Nakatakda nang ibalik sa South Korea ang tone-toneladang basurang itinambak sa Mindanao International Container Port sa Tagoloan, Misamis Oriental, sa Enero 9.
Ayon sa Bureau of Customs, ibabalik sa Pyeongtaek ang 51 container ng basura kasabay ng paghahanda ng regulatory requirements.
Noong Nobyembre nang nakaraang taon, naharang ng BOC ang isa’t kalahating toneladang basura na nakalagay sa loob ng mga container van na dumating noong Oktubre 21 sa MICT Mula sa South Korea.
Naka-consign ang naturang kargamento sa Verde Soco Philippines na iniimbestigahan na ng mga otoridad.