Sinampahan ng double murder at six counts of multiple frustrated murder ng Philippine National Police (PNP) si Daraga, Albay Mayor Carlwyn Baldo at iba pang sangkot sa pagpatay kay Ako Bicol Party List Representative Rodel Batocabe at sa kanyang aide noong Disyembre 22.
PNP files murder cases at DOJ vs Daraga Mayor Baldo et al for the killing of Cong.Batocabe-Albayalde @dwiz882 pic.twitter.com/loFLFKDpBT
— Jill Resontoc – DWIZ -882 AM radio (@JILLRESONTOC) January 3, 2019
Ayon kay PNP Chief Oscar Albayalde, pinangakuan ni Mayor Baldo sina Danilo Muella, Henry Yuson, Rolando Arimado, Emmanuel Roselio, Jaywin Babor at Christopher Naval para ipapatay si Rep. Batocabe kapalit ng P5 million at P250,000 sa pagbili ng armas at baril.
Just in:Mayor Baldo sinangkot sa pagpatay kay Cong.Batocabe-Albayalde @dwiz882 pic.twitter.com/NjPjMnHCyH
— Jill Resontoc – DWIZ -882 AM radio (@JILLRESONTOC) January 3, 2019
Si Judavar ay sumuko sa awtoridad at tinukoy ang alkalde na nag-utos na ipapatay ang mambabatas dahil ito ay tatakbong alkalde ng Daraga sa halalan.
Samantala, sumuko rin si Naval sa pulisya kung saan sinuportahan niya ang salaysay ni Judavar.