Kinasuhan na sa Albay Provincial Prosecutors Office si Daraga, Albay Mayor Carlwyn Baldo kaugnay sa pagpatay kay Ako-Bicol Party-list Representative Rodel Batocabe at sa police aide nito.
Sinampahan ng double murder case at anim na bilang ng multiple frustrated murder si Mayor Baldo at anim pa nitong mga kasama.
Sa inisyal na impormasyon na nakuha ng Philippine National Police (PNP), hindi mahagilap sa ngayon ang alkalde at may usap-usapang nakalabas na ito ng bansa.
Nakikipag-ugnayan na ang PNP sa Bureau of Immigration (BI) para kumpirmahin kung talagang nagbiyahe nga sa ibang bansa si Baldo.
Kasunod nito ay kinansela na ng PNP ang permit to carry firearms outside residence at mga lisensya ng baril ni Baldo.
Ayon kay PNP Firearms and Explosives Division Chief Police Senior Supt. Val de Leon, agad na ipinag-utos ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde ang pagbawi sa mga lisensya ng baril ni Baldo.
Kaugnay nito, hinimok ni De Leon na isuko na ni Baldo ang kanyang mga baril sa pinakamalapit na istasyon ng pulis o sa tanggapan ng PNP Firearms and Explosives Division.
NBI investigation
Samantala, kinukumpleto pa ng National Bureau of Investigation (NBI) ang kanilang isinagasawang imebstigasyon sa kaso ng pagpatay kay Ako-Bicol Party-list Representative Rodel Batocabe.
Ito ay kahit pinangalanan na PNP si Daraga, Albay Mayor Carlwyn Batocabe bilang mastermind sa Batocabe slay case.
Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, tatapusin ng NBI ang sarili nitong imbestigasyon kahit pa kinasuhan na si Baldo.
Tiniyak naman ni Guevarra ang patuloy na pakikipag-ugnayan nila sa PNP para sa iba pang detalye ng kaso ng pagpatay sa mambabatas.
—-