Bukas pa rin ang pamahalaan na makipagnegosasyon sa Communist party of the Philippines.
Ayon sa Pangulo, mananatiling bukas ang pintuan ang gobyerno para sa kapayapaan hangga’t hindi aniya iginigiit ng rebelde komunista ang pagkakaroon ng coalition government.
Sinabi naman ni National Democratic Front of the Philippines Chair Fidel Agcaolli na handa pa rin ang kanilang hanay sa pagpapatuloy ng usapang pangkapayapaan sa ilalim ng administrasyong Duterte.
Matatandaang bumagsak nuong nakaraang taon sa pagitan ng pamahalaan at komunistang grupo dahil sa patuloy na pag-atake ng mga miyembro ng New People’s Army sa tropa ng pamahalaan kahit pa nasa kalagitnaan ng negosasyon.