Mas maraming scholarship slots ang alok ngayon ng Taipei Economic and Cultural Office in Manila (TECO) para sa mga Pilipino na gustong kumuha ng degree studies o Mandarin language program sa Taiwan.
Ayon sa TECO, ang hakbang ay ginawa ng Ministry of Education bunsod ng ‘popular demand’ at positibong tugon ng mga Filipino students noong nakaraang taon.
Dahil dito, umaasa si Taiwan Representative to the Philippines Michael Peiyung Hsu na sasamantalahin ng mas marami pang Pinoy ang pagkakataong makapag-aral at makapunta ng Taiwan.
Paliwanag ni Hsu, maituturing na ‘best location’ ang kanilang bansa para sa mga Pinoy na gustong kumuha ng mas mataas na edukasyon.
Simula nitong Enero 1 hanggang Marso 16, 2019 ay tatanggap ang TECO ng aplikasyon para sa International Cooperation and Development Fund.