Nilinaw ng isang opisyal ng Commission on Elections (Comelec) na maaari pa ring tumakbo sa hahalan sa Mayo si Daraga, Albay Mayor Carlwyn Baldo kahit sinampahan na ito ng kasong murder.
Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez, wala itong epekto sa kandidatura ni Baldo dahil hindi pwedeng i-disqualify ang isang kandidato batay lamang sa isang criminal complaint.
Aniya, maaari lamang idiskwalipika ang kandidatura ng isang kandidato kapag na-convict na sa isang kaso at nagkaroon na ng ‘finality’ ang desisyon ng Korte.
Magugunitang isinangkot ng Philippine National Police si Baldo bilang utak sa pagpatay kay AKO BICOL Partylist Rep. Rodel Batocabe at sa kanyang security escort na si SPO2 Orlando Diaz noong Disyembre 22 ng nakaraang taon.