Mahigpit na binabantayan ng DFA o Department of Foreign Affairs ang sitwasyon sa Los Angeles, California sa Amerika.
Ito’y kasunod ng panibagong insidente ng pamamaril kahapon ng hapon, oras sa Pilipinas kung saan, nasa tatlo ang patay habang apat na iba pa ang sugatan.
Batay sa inilabas na kalatas ng DFA, ipinabatid ng konsulada ng Pilipinas sa Los Angeles na tinitingnan na nila kung may Pilipinong nadamay sa naturang pangyayari.
Ayon naman kay Consul General Adelio Angelito Cruz, lumalabas sa paunang pagsisiyasat na nangyari ang pamamaril matapos magkagulo sa pagitan ng dalawang grupo sa loob ng gable house bowl.
Sa ngayon, patuloy pa ring inaalam ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng salarin
Tinatayang aabot sa humigit kumulang apat na libo ang mga Pilipino na naninirahan sa Torrence, Los Angeles kung saan, nasa isandaan at limampung libo ang kabuuang populasyon nito.