Magsasagawa ng unity walk sa ika-19 ng Enero kasabay ng pagsisimula ng election period.
Ayon kay Eric Jude Avila, secretary general ng NAMFREL o National Movement For Free Election, sa maynila ang magiging sentro ng naturang aktibidad at magkakaroon din sa iba’t ibang lalawigan na dadaluhan ng AFP o Armed Forces of the Philippines, PNP o Philippine National Police at mga politiko.
Magkakaroon din anya ng pagpapalipad ng kalapati na simbolismo sa unity walk at covenant signing sa mga magkakatunggaling kandidato.
Samantala, magtatagal naman ang election period hanggang sa ika-12 ng Hunyo ngayong taon.