Susugod sa tapat ng PNP-Headquarters sa Camp Crame, Quezon City mamayang hapon ang mga mga miyembro ng grupong ACT-Teachers.
Ito’y bilang protesta sa plano umanong profiling sa mga miyembro ng ACT sa pampubliko at pribadong paaralan.
Tuturuan anila ng ACT-Teachers ng leksyon ang PNP kaugnay sa karapatan ng mga education workers sa self-organization at freedom of expression.
Nagsagawa naman ng hiwalay na dayalago ang Manila Public School Teachers Association sa Department of Education Division Office-Manila kaugnay sa issue.
Magugunitang itinanggi na ng PNP ang ulat na sasailalim sa profiling ang mga miyembro ng ACT-Teachers sa buong bansa.
Planong profiling ng PNP sa mga miyembro ng ACT-Teachers idinepensa ng Palasyo
Ipinagtanggol ng Malacañang ang plano umano ng Philippine National Police (PNP) na profiling sa mga miyembro ng grupong ACT-Teachers.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, wala namang masama kung i-profile o i-surveillance ng PNP ang buong hanay ng ACT-Teachers lalo’t kabilang naman ito sa makakaliwang grupo.
I-mo-monitor lamang aniya ang mga miyembrong posibleng may kaugnayan sa mga rebeldeng komunista kung nagpakita ang mga ito ng kilos na taliwas sa prinsipyo ng gobyerno.
Ipinunto ni Panelo na bukod sa mga kriminal ay trabaho rin ng pulis na kumilatis ng mga pinaghihinalaang kalaban ng pamahalaan.
—-