Pinaiimbestigahan ng Makabayan bloc sa Kamara ang profiling na umano’y isinasagawa ng Philippine National Police (PNP) sa mga miyembro ng Alliance of Concerned Teachers (ACT).
Kasunod na rin ito nang inihaing House Resolution No. 2233 para maimbestigahan ang lumabas na intelligence memorandum laban sa mga miyembro ng ACT na sinasabing bahagi ng Communist Party of the Philippines (CPP).
Iginiit ng Makabayan bloc na ang nasabing memo ay paraan para targetin ang mga grupo, party list at mga kandidatong suportado ng mga progresibong grupo.
Malinaw anilang paglabag ito sa karapatang pantao maging sa election law.
Kumbinsido ang Makabayan bloc na ang nasabing hakbang ay may kaugnayan sa pinalutang nuong Red October ouster plot laban sa Pangulong Rodrigo Duterte.