Isinulong sa Kamara ang panukalang gawing special non-working holiday ang January 9 taun-taon bilang pagdiriwang sa pista ng Itim na Nazareno.
Batay sa House Bill 8812 ni Congressman Alfred Vargas, sanib puwersa ang mga kinauukulanbg ahensya ng gobyerno para matiyak ang kapayapaan, kaayusan at kaligtasan ng mga sasama sa mga aktibidad ng pista ng Poong Nazareno.
Sinabi ni Vargas na ang Feast of Black Nazarene ay isa sa mga aniya’y pinakamalaking religious celebration sa bansa kung saan ang traslacion ay hindi lamang ginagawa sa Maynila kundi maging sa iba pang bahagi ng bansa tulad ng Cagayan de Oro, Samar at ibang lalawigan.
Layon din ng panukala na gawing maayos ang koordinasyon sa public sector para sa peace and order at kaligtasan ng mga deboto ng Itim na Nazareno.
Sakaling maging batas, kailangang tumulong ang ilang ahensya ng gobyerno sa traslacion at iba pang event may kaugnayan sa pista ng poon.