Pinal na ang desisyon ng Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) na nagkakansela sa prangkisa ng Valisno Bus.
Ibig sabihin, ayon sa LTFRB hindi na makakapasada ang lahat ng bus units nito kahit kailan.
Magugunitang 4 na pasahero ang namatay habang maraming iba pa ang nasugatan nang maaksidente ang isang unit ng Valisno sa may Quezon City kamakailan.
Tumakas ang bus driver na si George Pacis na kalauna’y sumuko naman sa pulisya at nagpostibo pa sa ipinagbabawal na gamot.
Dahil dito, maliban sa pagkansela sa franchise ng Valisno bus, ipinasira at ipinawasak din ng LTFRB board ang lahat ng yellow plates ng mga bus unit ng Valisno na naka-surender sa LTO.
By Jelbert Perdez