Pinag-aaralan na ng Commission on Elections (COMELEC) ang pagsasailalim sa Cotabato City sa kanilang kontrol.
Kasunod na rin ito ng nangyaring pambobomba sa lungsod na ikinasawi ng dalawa katao at ikinasugat ng mahigit 30 iba pa noong Disyembre 31.
Ayon kay COMELEC Chairman Sheriff Abas, lumabas din aniya sa assessment ng kanilang mga election officers na may problema sa seguridad at peace order sa Cotabato City bukod pa sa insidente ng pambobomba.
Sakaling isailalim na sa kontrol ng COMELEC ang Cotabato City, agad na bubuo ng task force na mangangasiwa sa pagpapatupad ng mga security measures sa lungsod.
—-