Hindi na bibili ng armas at iba pang military equipment ang administrasyong Duterte mula sa Estados Unidos.
Ito ang inihayag mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang naging talumpati sa harap ng mga sundalo sa Bulacan, kasunod aniya ng banta ng Amerika na parurusahan Pilipinas dahil sa pagbili ng mga armas sa Russia.
Gayundin aniya nang harangin ng isang US senator ang kasunduan sa pagbili ng Pilipinas ng armas sa Amerika dahil sa usapin ng paglabag sa karapatang pantao sa bansa.
Sinabi pa ni Pangulong Duterte, maliban sa Russia tutol din ang Amerika sa planong pagbili ng armas ng Pilipinas sa China.
Dahil aniya rito, posibleng pag-aralan na lamang din ng pamahalaan ang pagbili ng armas mula sa iba pang bansang kaalyado ng Pilipinas tulad ng Israel at South Korea.
—-