Epektibo na simula bukas ang nationwide gunban bilang paghahanda sa 2019 mid-term elections sa darating na Mayo.
Kaugnay niyan, nagpaalala ang PNP Firearms and Explosives Office kasabay ng pormal na pagsisimula ng election period.
Ayon kay C/Supt. Val De Leon, hepe ng Firearms and Explosives Office ng PNP, dapat munang kumuha ng gunban exemption mula sa COMELEC ang sinumang magbibitbit ng baril.
Hindi rin aniya papayagan ang sinuman na magbitbit ng armas kahit pa kasalukuyan nang pinoproseso ang kanilang exemption.
Sinumang mahuhuling may bitbit na baril na walang gunban exemption mula sa COMELEC ay sasampahan ng kasong illegal posession of firearms at paglabag sa omnibus election code.