Walang Pilipino nasaktan sa naganap na pagsabog sa isang bakery sa Paris, France.
Ayon ito sa Department of Foreign Affairs o DFA matapos magreport ang embahada ng bansa sa Paris, kasunod na rin nang pakikipag-ugnayan sa French ministry of Foreign Affairs.
Kasabay nito ang pagpapaabot nang pakikiramay ng DFA sa pamilya ng tatlong nasawi gayundin sa halos 50 nasugatan sa pagsabog.
Pinaniniwalang nag-ugat sa gas leak ang dahilan ng nasabing pagsabog.
Ipinabatid ng DFA na tinatayang 25,000 Pinoy ang nasa France at malaking bilang dito ay nakatira sa Paris.