Nilinaw ni Foreign Affairs Secretary Teddy Locsin na “wala pa namang information leak” sa gitna ng issue ng passport data breach.
Ito ang inihayag ng kalihim sa kanyang tweet bilang tugon sa reaksyon ng isang netizen na isang kumpanyang naka-base sa France ang may hawak sa passport information na may mahigpit umanong privacy laws.
Gayunman, aminado si Locsin na posibleng “corrupted” at hindi na ma-access ang datos ng mga passport holder makaraang tangayin umano ang kanilang mga impormasyon ng dating passport manufacturer ng DFA
Samantala, tiniyak naman ng DFA secretary na kanyang huhubaran ang mga responsable sa passport data breach.