Nasungkit ng Barangay Ginebra ang kanilang buwena-manong panalo kontra Talk ‘n Text sa pagbubukas ng ika-44 na season ng PBA o Philippine Basketball Association na ginanap sa Philippine Arena kahapon.
Unang quarter pa lamang ay hawak na ng Ginebra ang kalamangan sa pangunguna ni Japeth Aguilar na kumamada ng 21 puntos at apat na rebounds.
Nag-ambag din ng 15 puntos at pitong rebounds si Greg Slaughter ng Ginebra.
Matatandaang nagsagupa rin ang dalawang koponan sa pagbubukas ng ika-40 season naman ng PBA.