Tukoy na ng Department of Environement and Natural Resources (DENR) ang mga establishment na nagtatapon ng basura sa Manila Bay.
Ipinabatid ito ni Environment Undersecretary Benny Antiporda na nagbantang mahaharap sa patung-patong na kaso at posible pang maipasara ang mga nasabing establishment at gusali.
Sinabi ni Antiporda na pinaplano nila ang pagpapasara sa mga hindi pa pinangalanang establishments.
Una nang personal na ininspeksyon ni Environment Secretary Roy Cimatu ang mga gusali sa paligid ng Manila Bay at inihayag nito na hindi na sapat ang clean-up drive para malinis at maging ligtas sa publiko ang Manila Bay.
Ang rehabilitasyon ay sisimulan na sa January 27.
—-