Tumaas ang presyo ng liquified petroleum gas (LPG) dahil na rin sa mataas na buwis sa langis.
Ang mga kumpanyang Fiesta, Petron at Solane ay nagpatupad ng piso at labing dalawang sentimo (1.12) ang dagdag sa presyo ng kada kilo o dose pesos (P12) sa kada 11 kilogram cylinder ng LPG.
Bukas, Huwebes, magpapatupad ng kaparehong taas presyo sa LPG ang Regasco.
Ayon kay LPGMA Party-list Representative Arnel Ty, nag-ugat din ang dagdag presyo sa naubos ng lumang supply at asahan na rin aniya ang pagtataas ng presyo pa sa LPG sa susunod na buwan.
Sinabi naman ng Department of Energy (DOE) na wala silang natanggap na abiso hinggil sa ipinatutupad na dagdag presyo.
—-