Patay ang isang dating Cebu City Prosecutor matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang sa salarin sa bahagi ng Escario Street sa nabanggit na lungsod, alas-10:00 kagabi.
Kinilala ang biktima na si dating Cebu City Prosecutor Mary Ann Castro na ngayo’y nakatalaga sa Masbate City.
Batay sa ulat kaaalis lamang ni Castro mula sa isang establisymento sakay ng kanyang dilaw na Nissan Juke nang harangin ng nakamotorsiklong salarin at pagbabarilin sa Escario Street.
Ayon kay Chief Inspector Edward Sanches, hepe ng Fuente Police Station, naging kontrobersyal si Castro dahil sa mga hawak nitong kaso na may kinalaman sa iligal na droga.
Gayundin ang pagsuspinde dito ng Department of Justice (DOJ) bago mailipat ng Masbate City dahil sa pagkakaroon ng sigalot sa pamilya ng dating asawang si Greco, anak ni yumaong Cebu Vice Governor Gregorio Sanchez.
—-