Inalerto ng pamahalaang panlalawigan ng Camarines Sur ang kanilang mga residente bilang paghahanda sa posibleng pananalasa ng sama ng panahon sa Bicol Region.
Sa Memorandum Number 1 ni Camarines Sur Governor Miguel Luis Villafuerte, inilagay sa red alert status ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Operations Center ng lalawigan na layong i-monitor ang namataang low pressure na inaabang maging ganap na bagyo.
Dahil dito, inaatasan ang mga lokal na opisyal na tutukan ang kani-kanilang mga nasasakupan at maghanda para sa posibleng pagbaha, landslides at iba pang maaaring epekto ng bagyo.
Matatandaang nuong Disyembre, tumama sa Bicol Region ang bagyong Usman kung saan mahigit 50 ang nasawi.
—-