Hindi naging maganda ang unang laro ni Terrence Romeo sa koponan ng San Miguel Beermen.
Ito ay matapos siyang magtamo ng injury sa kaliwang bukong bukong sa fourth quarter ng laban kontra Columbian Dyip.
Ayon sa ulat, natapakan ni Romeo ang paa ni Rashawn McCarthy dahilan upang ma-injured ito.
Inilabas ni Coach Leo Austria si Romeo na hindi na nakabalik pa sa laro kung saan natalo ang San migUel sa iskor na 118-124.
Hindi naman naitago ni Romeo ang pagkadismaya at lungkot sa nangyari.
—-