Nananatiling sapat ang supply ng gulay sa lalawigan ng Benguet sa kabila ng malamig na panahon sa Cordillera Region na nagresulta sa frost o andap sa ilang pananim.
Ayon sa Department of Agriculture at Office of Provincial Agriculturist – Benguet, wala pa namang naka-babahalang ulat na napinsala ang mga gulay dahil sa andap.
Karaniwang naaapektuhan ng frost ang mga pananim sa ilang barangay sa Atok lalo’t umaabot sa 10 degree celsius o mababa pa ang temperatura tuwing Enero.
Kabilang sa madalas na maapektuhan ang mga repolyo, carrots at patatas na nasa mga pinaka-mataas na lugar.