Patay ang 2 katao at 22 iba pa ang sugatan sa sunog sa ski resort ng Courchebel sa French Alps.
Ayon sa mga awtoridad, puwersahang inilikas ang mahigit 60 resort workers kabilang ang ilang dayuhan sa tatlong palapag na gusali.
Natagpuan ng mga bumbero ang dalawang hindi pa nakikilalang katawan sa Courchevel 1950 ski station.
Tatlo sa mga sugatan ay kaagad inilipad ng helicopter patungong pagamutan dahil sa tinamong matinding pinsala.
Patuloy pang iniimbestigahan ang nasabing insidente.
—-