Bahagya pang bumagal ang paglago ng ekonomiya ng bansa noong huling quarter ng taong 2018.
Sa tiyansa ng ekonomistang sina Emilio Neri ng Bank of the Philippine Islands (BPI), lumago ng 6.4 percent ang ekonomiya noong Disyembre at assessment ni ING Bank Manila Economist Nicholas Mapa 5.9 percent.
Kumpara ito sa 6.6 percent na paglago ng growth domestic product (GDP) sa kaparehong panahon noong 2017.
Kabilang anila ang kaliwa’t kanang government spending sa iba’t ibang infrastructure project sa naging daan upang lumago ang ekonomiya noong Oktubre hanggang Disyembre.
—-