Libo-libong mga pasahero na ang stranded sa mga pantalan dahil sa masamang panahon dulot ng Bagyong Amang.
Umabot na sa halos 3,000 mga pasahero, 55 vessel at mahigit 400 rolling cargoes ang nastranded sa mga pantalan sa Central, Western at Southern Visayas, maging sa Northern Mindanao.
Kaugnay nito ay pinayuhan na ang lahat ng Philippine Coast Guard units na tiyaking maipatutupad ng mahigpit ang panuntunan hinggil sa paglalayag sa karagatan kapag mayroong sama ng panahon.
(with report from Aya Yupangco)