Nabunyag na mayroong lihim na missile base headquarters ang North Korea.
Ibinunyag ito sa report ng Center for Strategic and International Studies (CSIS).
Ang pagkakatuklas sa hindi deklaradong missile headquarters ng North Korea ay kasunod ng pahayag ni US President Donald Trump na umaasa siya sa isa pang summit kasama si North Korean Leader Kim Jong Un bago matapos ang Pebrero upang pag-usapan ang denuclearization.
Ayon sa CSIS, ang Sino-ri missile operating base ay hindi kailanman idineklara ng North Korea kaya’t posibleng hindi ito makasama sa mga negosasyon para sa denuclearization ng North Korea.
—-